Monday, February 25, 2013

UNA SA LAHAT KATAPATAN SA TRABAHO Bakit ba kailangan nating maging tapat sa ating trabaho? Ang katapatan ay tanda na ang relasyon mo sa trabaho ay tunay. Ang katapatan ay gumagawang may pagmamahal. Kung may katapatan ay nagiging solido,matibay at epektibo ang isang relasyon. Ang katapatan ay nagsasabi ng kalidad ng iyong pagkatao at kalidad ng iyong buhay. Ang katapatan ay nagdadala sa atin sa kasiglahan at mas mabunga sa ating mga gawain. Ang pagiging matapat ay magkakamit ng gantimpala hindi lamang dito sa lupa kung hindi pati sa kabilang buhay. Kung ikaw ay mapagkakatiwalaan sa maliliit na bagay ito ang magdadala sa'yo ng pagkakataon upang pagkatiwalaan para sa mas malaking responsibilidad o posisyon. Papaano ko mapag-aaralan ang pagkakaroon ng katapatan? Ito'y sa pagpapanatili ng mga katangiang pagiging totoo at mapagkakatiwalaan sa pagtupad sa iyong mga ipinangako at responsibilidad ano man ang mangyari. Nararapat na ang ating gabay na mga kataga sa ating trabaho ay "LAGING TAPAT"

Tuesday, February 19, 2013

DAKILANG ARAW 2013: “Sino ang Magtatagumpay Bilang Manedyer/Lider?” “ PANGHABANGBUHAY NA PAG-AARAL “ May Isang Katotohanan: “ Walang sentro na lalago higit pa sa Center Chief.” Ang paglago ng Center Chief ay ang dahilan ng paglago ng Sentro. Paunlarin ang sarili at maaari kang makapag-paunlad ng iba. Bakit hindi lumalago ang Center Chief? Mga Dahilan: 1. Hindi nila maunawaan ang kahalagahan ng panghabangbuhay na pag-aaral. 2. Iniisip nila na alam na nila lahat ng bagay. 3. Kinatatamaran na pagtanggap ng ibang mga bagong kaalaman. 4. Mas pinahahalagahan na ang mahabang karanasan. 5. Walang plano o gana sa pansariling paglago. ANG APAT NA MAHALAGANG BAGAY NA MAGSASABI SA IYO NA ISA KANG MATAGUMPAY NA LIDER ( 4 C’s that calls for life long learning) 1. CHARACTER ( PAGKATAO/UGALI NATIN) 2. CHEMISTRY ( KABAGAYAN/ PUWEDE BA TAYO?) 3. COMPETENCY ( KAKAYAHAN/ABILIDAD NATIN) 4. CAPACITY (KAPASIDAD/KAKAYANIN BA NATIN?) ISANG PAGHAMON: Huwag sayangin ang mga pagkakataon na makasama sa mga pag-aaral kung ikaw ay maimbitahan lalo na kung libre ito’y para sayong paglago at katagumpayan sa pamumuno. Reference: Life Long Learning by Dr. Samuel Chand

Thursday, February 14, 2013

PAGTITIWALA SA DIYOS AT HUWAG KAINGGITAN ANG IBA SA LIKO NILANG GAWA by: Marlou R.Concepcion "Huwag kang mabalisa dahil sa masama; huwag mong kainggitan liko nilang gawa. Katulad ng damo, sila'y malalanta,tulad ng halaman, matutuyo sila, Umasa ka sa Diyos, ang mabuti'y gawin at mananahan kang ligtas sa lupain. Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan."- Awit 37:1-4 MBB Huwag nating kaiingitan ang mga taong gumagawa ng masama at naging dahilan ito upang sila ay guminhawa,umunlad sa buhay at naging tanyag sa sariling lakas, talino at kaparaanan. Malinaw na sinasabi ng Diyos ang lahat ng ito'y mawawala at tulad ng damo at halaman sila'y malalanta, matutuyo at mamamatay. Ang lahat ng sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay ng kakaiba at magmamana ng kayamanan sa langit pagdating ng araw. Ang pinagpaguran ng mga hindi naniniwala sa Diyos ay magwawakas ngunit sa mga sumasampalataya ay pangwalanghanggan. Sa Kanya mo hanapin ang kaligayahan at italaga mo ang iyong sarili sa Kanya. Ang kaligayahan nating mga nagtitiwala sa Diyos ay nasa Kanyang presensiya sa pamamagitan ng pagkilala sa kanya nang mabuti sa kaalaman sa kanyang mga salita upang lumalim tayo sa Kanyang dakilang pag-ibig ito ang siyang magbibigay sa atin ng tunay na kagalakan. Ang pagtatalaga ng sarili sa Diyos ay pagtitiwala ng lahat, ang ating buhay, pamilya, trabaho, kayamanan sa Kanyang kontrol. Ang pagtitiwala sa kanya ng ating buhay (Awit 37:5) ay paniniwala sa Diyos na pinakamabuti ang gagawin niya sa atin kumpara kong sarili natin ang magpapatakbo sa ating buhay. Kaya't magtiyaga tayong antayin ang Diyos (Awit 37:7) na kumilos kung ano ang mas mabuti sa buhay natin.

Tuesday, July 20, 2010

ANG OPINYON KO SA PAGMAMATAAS AT PAGYAYABANG SA IBA

Ang lider na mapagmataas at may kayabangan ay humahantong sa kaguluhan at pagbagsak sa kadahilanang ang ganitong masamang katangian ay masyadong nagtitiwala sa sariling kakayahan at lagi na lamang siya ang magaling at tama kaya't hindi niya kailangan ang opinyon o tulong ng iba dahil sa sobrang bilib sa sarili. May "ego" matigas ang puso o bato kung tawagin, sarado ang tainga sa pakikinig at hindi naniniwala sa kakayahan ng iba siya lamang ang matalino. Napakahirap sa kanya ang magbago dahil siya'y naniniwala sa kanyang sariling pang-unawa at pamamaraang kinalakihan, sarado sa mga posibilidad at pagbabago na iniisip ng iba. Mahirap tumanggap ng pagkakamali at puna ng iba o nakakarami. Nanatili sa matandang paniniwala kahit ito'y napatunayan na sa kasalukuyan na mali at hindi na epektibo. Paninindigan niya ang paniniwalang mali at kinabulagan na ayaw tanggapin na siya rin ay may pagkukulang. Kung gusto mong matuto at lumago makinig ka sa payo ng iba dahil lahat naman tayo ay hindi perpekto may maitutulong ito sa iyong kabutihan at paglago bilang isang lider.
Payo lang marami sa kasalukuyang lider ay nagtagumpay dahil namuno sila ng may kababaang loob at simplisidad at higit sa lahat minamahal siya ng kanyang nasasakupan.

Wednesday, June 9, 2010

MAGING ISANG LUMALAGONG LIDER

Siguraduhin natin ang paglago ng ating mga lider sapagkat ito ang susi sa epektibong pamumuno. Ang Panginoon ang susi sa paglago sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Ang paglago sa Kanyang mga salita ay kailangang gumugol ng oras para sa pag-aaral dito.

Napakamainam na makamit ang karunungan kaysa ginto, pang-unawa kaysa pilak ayon kay Solomon sa aklat ng Kawikaan 16:16. Ang karunungan ng Diyos ay habang-buhay ihambing sa kayamanan dito sa lupa na temporal lamang.

Ang mga lider ay natutuksong mamuhay sa temporal na mga bagay at sa pagnanasa para sa sariling kapakinabangan at kapangyarihan ngunit ito’y mga bagay na walang kabuluhan.

Maraming lider ang hindi lumalago sa personal at ispiritwal na buhay at sa abilidad na gampanan ang trabaho. Ang solusyon ay patuloy sa paglago hindi ito pinipili ito’y nararapat at kailangan.

Ang mga kahilingan na mapasa-atin ay mapagpakumbaba, makaDiyos, kahinahunan at mabuting pagpapasya na ang gabay ay ang Diyos at Kanyang mga salita.

WINNERS vs. LOSERS

By: Dr. Samuel R. Chand

The winner is always part of the answer.
The loser is always part of the problem.

The winner always has a program.
The loser always has an excuse.

The winner says, let me do it for you.
The loser says, that’s not my job.

The winner sees an answer in every problem.
A loser sees a problem in every answer.

The winner says, it may be difficult, but it’s possible.
A loser says, it may be possible, but it’s too difficult.

A winner listens…
A loser just waits until it is his turn to talk.

When a winner makes a mistake, he says, I was wrong.
When a loser makes a mistake, he says, it wasn’t my fault.

A winner says, “I’m good, but not as good as I could be.”
A loser says, “I’m not as bad as a lot of people.”

A winner feels responsible for more than his job.
A loser says, “I only work here.”

Monday, June 7, 2010

THE POWER OF GOALS

WHY ARE GOALS IMPORTANT?


1. GOALS give a sense of direction and purpose.


2. GOALS give us the power to live in the present.


3. GOALS promote enthusiasm and strong organizational life.


4. GOALS help us operate more effectively.


5. GOALS help us to evaluate our progress.



Strategy for Leadership
Edward Dayton & Ted Engstrom

HOW GREAT LEADERS RECOGNIZE A PROBLEM?

1. They sense it before they see it-INTUITION.

2. They begin looking for it and they ask questions-CURIOSITY.

3. They do not simply rely on intuition or curiosity, they gather data-PROCESSING.

4. They share their feelings and findings to a few trusted colleagues-COMMUNICATING.

5. They define problem and they do not just verbalize it, they WRITE it.

6. They check their resources and that is EVALUATING.

7. They make a decision-LEADING.

ACCOUNTABILITY: Motivating Employees to be Accountable

First: Accountability must be part of the workplace culture.


Second: We should remind our employees that they are accountable for their mistakes.


Third: Encourage your employees to admit or report their mistakes the soonest time possible.


Fourth: Praise your employees for dealing successfully with their failures.


Fifth: Instituting teamwork is also another way to motivate your workers to be accountable.

Wednesday, June 2, 2010

MGA PANANAGUTAN NA NAKAATANG SA ISANG LIDER


  1. Ang lider ay nagtatama o pumupuna sa mali sa maganda at maayos na pamamaraan upang magsilbi itong inspirasyon ng iba sa pagbabago.

  1. Tagapag-ayos ng hindi pagkakasundo, kumikilos ng tiyak, mabilis at may paninindigan sa bawat desisyon.

  1. Nakikinig sa mga puna mula sa ibaba at ginagamit ito bilang sukatan ng epektibong liderato.

  1. Maging tapat upang makahikayat, makapagpasunod at makatulong ang lahat sa layunin ng samahan.

  1. Walang kinikilingan, makatarungan sa lahat at ang iniisip ay kapakanan ng nakararami.



“ Listen to advice and accept instruction and in the end you will be wise.”-Proverbs 19:20.


Marlou R. Concepcion

Monday, May 31, 2010

HUWAG KANG MAG-ALALA PARA SA ARAW NG BUKAS

Marami sa atin ay problema nila ang bukas dahil sa dami ng pangangailangang pinansyal, seguridad at iba pang mga bagay dito sa mundo para makapagpatuloy sa buhay. Ngunit sinasabi sa Bibliya sa aklat ng Mateo 6:34 "Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw."

Ang katotohanan ay hindi natin hawak ang mga pangyayari para sa bukas kaya’t sinasabi ni Santiago sa kanyang aklat na: Ni hindi nga ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas! Ang buhay ninyo'y parang usok lamang, sandaling lumilitaw at agad nawawala. Sa halip ay sabihin ninyo, "Kung loloobin ng Panginoon at nabubuhay pa kami, gagawin namin ito o iyon." Ngunit kayo'y nagmamalaki at nagyayabang, at iyan ay masama!- (4:14-16)

Ang pag-aalala para sa kinabukasan ay makakalito lamang sa ating mga gawain para sa araw na ito. Hayaan nating ang bukas ang siyang bahala sa kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos at sa paggampan ng kanyang kalooban sa kasalukuyan. Huwag nating hahayaan na ang bukas ang siyang maging hadlang sa paghahanap natin sa kaharian ng Diyos at kanyang kalooban sa atin. “Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan.”-Mateo 6:33

Gawin natin na ang kaharian ng Diyos at kanyang katwiran ang pangunahing sentro ng ating buhay hindi ang mga materyal at kayamanan dito sa mundo. Sapagkat ang mga bagay sa mundo ay temporal at ang mga bagay sa Diyos ay walang hanggang buhay.

Hindi ko sinasabing hindi mabuti ang pera o kayamanan sapagkat ito’y instrumento upang tayo ay mabuhay, magpatuloy, at magkaroon ng magandang kalusugan sa paglilingkod sa ating Diyos habang tayo’y nabubuhay. Ang masama sa buhay ng isang tao ay ang pagmamahal sa mga bagay na ito. Nagiging prayoridad at pangunahin na ating at ang hindi maganda ay ito na ang kumukontrol sa ating buhay. Ang pagmamahal sa pera ay ugat ng kasamaan.

Kaya’t dapat maunawaan ng lahat na kapag tayo’y nagkakaroon ng mga labis na biyaya mula sa Diyos ito ang pagkakataon nating magkawang-gawa at maipakita sa iba ang pag-ibig ng Diyos. Ang nais sumunod at bilang tagapaglingkod sa ating Diyos ay nakahandang iwan ang lahat at kalimutan ang sariling interes bagkus ang pinagsusumikatan ang mga bagay na makalangit.

Wednesday, May 26, 2010

ISANG TAONG MABUTI AT TAPAT

PAGKAIN SA ATING TRABAHO:

ISANG TAONG MABUTI AT TAPAT

Marami sa atin ngayon ay kuntento o sapat na sa bunga ng kanilang mga gawa basta’t ito’y natapos o makapasa lamang ng report na hinihiling ng kanilang boss o manager. Sa totoo lang ay hindi tayo ginawa ng Diyos upang gumawa ng maliit bagkus ayon sa hangganan ng ating kakayahan. Tayo’y tinawag na manguna sa karamihan ng may kabutihan at katapatan.

Ang kahulugan nito’y gumawa tayo ng tama at nakahandang tumulong ng doble pa sa inaasahan ng iba sa iyo. Higit pa sa inaasahang ng iba na kaya mong gawin tulad ng pagpasok sa opisina 10 minutong maaga at 10 minutong huli sa pag-uwi. Ito’y simpleng gawi na kailangan nating mapagtagumpayan upang sa mga malalaking gawain ay mabigyan tayo ng lakas upang matapos at maisakatuparan. Huwag tayong manatili sa maliit bagkus ibigay natin ang kaya nating itulong na ang tatanggap ay magsasapat para sa kanyang pangangailangan.

Ang ating Panginoon ay mabiyaya gusto niya’y ibigay ng sapat at lumalabis upang makatulong tayo sa mga nangangailangan. Ang iba’y nagtatanong ng ganito Panginoon bakit hindi mo ako pinagpapala? Bakit hindi mo ako pinopromote sa trabaho? Ang sagot ay ginagawa mo ba ang tama? Tumutulong ka ba sa iba? Tinatrato mo ba nang mabuti at tama ang iba?

Ang sabi ng Bibliya sa aklat ng Colosas 3:23 “ Ano man ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang magaan sa kalooban na waring hindi sa tao kayo naglilingkod kundi sa Panginoon. Alam naman ninyong gagantimpalaan kayo ng Panginoon.” Ibigay natin ang “best effort “ na sa Diyos natin ito ginagawa at naglilingkod. Kung tayo’y gagawa nang ganyang pamantayan sa isip. Ang Diyos ay nangako na tayo’y gagantimpalaan.

Ang sabi sa Kawikaan 2:7 “ Bibigyan niya ng unawa ang matuwid ang pamumuhay, at ang taong matapat ay kanyang iingatan.” Kaya’t gawin nating matapat sa lahat ng aspeto ng ating buhay.

Nais nang iba’y pabilisin o “ishort cut” bastat makacomply sa trabaho, ito’y mahina at hindi pulido ang gawa kaya’t mauuwi ito sa sariling sakit at kahinaan. Kaya’t ang mahinang desisyon ay mahina ring pundasyon at magbubunga ng napakaraming problema sa hinaharap na tayo mismo ang gumawa.

Ano ang ginagawa natin kung tayo’y nag-iisa sa trabaho at walang nakakakita? Dinidiligan ba natin ang ating pundasyon o pinapahina dahil sa kawalan ng katapatan? Tayo ba’y nagkukulang sa iba at sa ating boss? Anong klaseng materyales ang ginagamit natin sa ating buhay upang magpatuloy pa?

Marlou R. Concepcion

Inspired by the book of Joel Osteen

“ Your Best Life Now”