Tuesday, July 20, 2010

ANG OPINYON KO SA PAGMAMATAAS AT PAGYAYABANG SA IBA

Ang lider na mapagmataas at may kayabangan ay humahantong sa kaguluhan at pagbagsak sa kadahilanang ang ganitong masamang katangian ay masyadong nagtitiwala sa sariling kakayahan at lagi na lamang siya ang magaling at tama kaya't hindi niya kailangan ang opinyon o tulong ng iba dahil sa sobrang bilib sa sarili. May "ego" matigas ang puso o bato kung tawagin, sarado ang tainga sa pakikinig at hindi naniniwala sa kakayahan ng iba siya lamang ang matalino. Napakahirap sa kanya ang magbago dahil siya'y naniniwala sa kanyang sariling pang-unawa at pamamaraang kinalakihan, sarado sa mga posibilidad at pagbabago na iniisip ng iba. Mahirap tumanggap ng pagkakamali at puna ng iba o nakakarami. Nanatili sa matandang paniniwala kahit ito'y napatunayan na sa kasalukuyan na mali at hindi na epektibo. Paninindigan niya ang paniniwalang mali at kinabulagan na ayaw tanggapin na siya rin ay may pagkukulang. Kung gusto mong matuto at lumago makinig ka sa payo ng iba dahil lahat naman tayo ay hindi perpekto may maitutulong ito sa iyong kabutihan at paglago bilang isang lider.
Payo lang marami sa kasalukuyang lider ay nagtagumpay dahil namuno sila ng may kababaang loob at simplisidad at higit sa lahat minamahal siya ng kanyang nasasakupan.

No comments: