Wednesday, June 9, 2010

MAGING ISANG LUMALAGONG LIDER

Siguraduhin natin ang paglago ng ating mga lider sapagkat ito ang susi sa epektibong pamumuno. Ang Panginoon ang susi sa paglago sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Ang paglago sa Kanyang mga salita ay kailangang gumugol ng oras para sa pag-aaral dito.

Napakamainam na makamit ang karunungan kaysa ginto, pang-unawa kaysa pilak ayon kay Solomon sa aklat ng Kawikaan 16:16. Ang karunungan ng Diyos ay habang-buhay ihambing sa kayamanan dito sa lupa na temporal lamang.

Ang mga lider ay natutuksong mamuhay sa temporal na mga bagay at sa pagnanasa para sa sariling kapakinabangan at kapangyarihan ngunit ito’y mga bagay na walang kabuluhan.

Maraming lider ang hindi lumalago sa personal at ispiritwal na buhay at sa abilidad na gampanan ang trabaho. Ang solusyon ay patuloy sa paglago hindi ito pinipili ito’y nararapat at kailangan.

Ang mga kahilingan na mapasa-atin ay mapagpakumbaba, makaDiyos, kahinahunan at mabuting pagpapasya na ang gabay ay ang Diyos at Kanyang mga salita.

No comments: