"Set your mind on things above, not on things on the earth."-Colossians 3:2
Thursday, February 14, 2013
PAGTITIWALA SA DIYOS AT HUWAG KAINGGITAN ANG IBA SA LIKO NILANG GAWA
by: Marlou R.Concepcion
"Huwag kang mabalisa dahil sa masama; huwag mong kainggitan liko nilang gawa. Katulad ng damo, sila'y malalanta,tulad ng halaman, matutuyo sila, Umasa ka sa Diyos, ang mabuti'y gawin at mananahan kang ligtas sa lupain. Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan."- Awit 37:1-4 MBB
Huwag nating kaiingitan ang mga taong gumagawa ng masama at naging dahilan ito upang sila ay guminhawa,umunlad sa buhay at naging tanyag sa sariling lakas, talino at kaparaanan. Malinaw na sinasabi ng Diyos ang lahat ng ito'y mawawala at tulad ng damo at halaman sila'y malalanta, matutuyo at mamamatay. Ang lahat ng sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay ng kakaiba at magmamana ng kayamanan sa langit pagdating ng araw. Ang pinagpaguran ng mga hindi naniniwala sa Diyos ay magwawakas ngunit sa mga sumasampalataya ay pangwalanghanggan. Sa Kanya mo hanapin ang kaligayahan at italaga mo ang iyong sarili sa Kanya. Ang kaligayahan nating mga nagtitiwala sa Diyos ay nasa Kanyang presensiya sa pamamagitan ng pagkilala sa kanya nang mabuti sa kaalaman sa kanyang mga salita upang lumalim tayo sa Kanyang dakilang pag-ibig ito ang siyang magbibigay sa atin ng tunay na kagalakan. Ang pagtatalaga ng sarili sa Diyos ay pagtitiwala ng lahat, ang ating buhay, pamilya, trabaho, kayamanan sa Kanyang kontrol. Ang pagtitiwala sa kanya ng ating buhay (Awit 37:5) ay paniniwala sa Diyos na pinakamabuti ang gagawin niya sa atin kumpara kong sarili natin ang magpapatakbo sa ating buhay. Kaya't magtiyaga tayong antayin ang Diyos (Awit 37:7) na kumilos kung ano ang mas mabuti sa buhay natin.
Subscribe to:
Posts (Atom)