Monday, February 25, 2013

UNA SA LAHAT KATAPATAN SA TRABAHO Bakit ba kailangan nating maging tapat sa ating trabaho? Ang katapatan ay tanda na ang relasyon mo sa trabaho ay tunay. Ang katapatan ay gumagawang may pagmamahal. Kung may katapatan ay nagiging solido,matibay at epektibo ang isang relasyon. Ang katapatan ay nagsasabi ng kalidad ng iyong pagkatao at kalidad ng iyong buhay. Ang katapatan ay nagdadala sa atin sa kasiglahan at mas mabunga sa ating mga gawain. Ang pagiging matapat ay magkakamit ng gantimpala hindi lamang dito sa lupa kung hindi pati sa kabilang buhay. Kung ikaw ay mapagkakatiwalaan sa maliliit na bagay ito ang magdadala sa'yo ng pagkakataon upang pagkatiwalaan para sa mas malaking responsibilidad o posisyon. Papaano ko mapag-aaralan ang pagkakaroon ng katapatan? Ito'y sa pagpapanatili ng mga katangiang pagiging totoo at mapagkakatiwalaan sa pagtupad sa iyong mga ipinangako at responsibilidad ano man ang mangyari. Nararapat na ang ating gabay na mga kataga sa ating trabaho ay "LAGING TAPAT"

No comments: